Sabado, Agosto 18, 2012

Walang Pakinabang Na Admin

Noong 2010, ilang beses kong nireklamo syo yung mga maiingay na nagkakaraoke sa katabing unit, sabi ko syo, pagsabihan mo na hanggang 10pm lang magkaraoke  o kaya pakihinahan ang volume para hindi maka istorbo sa ibang unit. , nakailang beses ko sinabi syo, wala kang ginawa kaya tuloy pa rin ang pag iingay nila hanggang 2011. 

May naninigarilyo sa hallway at nagkakalat ng cigarette butts sa may pinto ko, pinakiusapan kita na lagyan mo ng "No Smoking" sign ang pader para may dahilan ako na pagsabihan yung naninigarilyo. Hindi mo ginawa yun.

Walang ilaw lagi sa hallway sa may pinto ko, sinabi ko syo na ayusin mo, hindi mo inayos at napag alaman ko na ikaw ang nagpapatay ng ilaw na yun lagi, lalo na kapag long weekend kagaya ngayon, tarantado ka talaga!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento