Sabado, Agosto 18, 2012

Mga Katarantaduhan Na Ginagawa Mo Sa Akin

Isang taon mo ng ginagawa ang mga ito:

1. Tinatapunan mo ng kalat at dumi ang harapan at tabi ng pinto ko. Winawalis mo ang mga kalat sa hallway at sa unit mo. Tinatapunan mo ako ng ipis, balat ng saging, cigarette butts, tissue, may mga strands pa ng walis, kaya siguradong winalis mo muna sa dustpan tsaka nilagay sa pinto ko. Ang tyaga mong gawin ito. Sineswelduhan ka para mang gago ng tao. Wala ka kasing ginagawa kapag nasa admin office ka. Naaabutan lagi kitang natutulog (magulo buhok na bagong gising), naglalaro sa computer o kaya nanonood sa bulok mong portable dvd player. Kaya nilolock mo na lagi ang pinto mo para di ka makita na ito ang mga ginagawa mo kapag nasa office ka.
2. Nilinis mo yung katabing unit sa kaliwa ko at winalis mo mga dumi at inilagay sa pinto ko, winalis mo rin yung mga kalat na ipis at alikabok sa kanang unit at inilagay sa harapan ng unit ko. Sa mga makakakita nito, iisipin nila na galing sa unit ko ang mga kalat na yun at winalis ko palabas ng pinto ko. Inamin mo na nilinis mo ang mga unit na ito nung tinanong kita. Bastos kang animal ka!!! Yang mga pinagwalisan mo, doon mo nilagay sa pinto at sa may pader ng unit ko, pwede mo namang itapon sa basura.
3. Araw araw (9am to 5pm), binabalibag mo ang katabing pinto na kinalalagyan ng metro ng tubig. Ngayon, mahirap isara ang pinto, kaya yung binalibag mo nung isang araw ay yung pinto sa katabing unit sa kaliwa.
4. Few months ago, dinuraan mo doorknob at harapan ng pintuan ko na may kasamang biscuit. Natuyo at tumigas na nga. Last week, bumagyo, dinikitan mo ng ipis ang doorknob ko, the next day, binuhusan mo ng tubig baha ang doorknob at puro putik ito, may mantsa pa ng tuyong putik o dumi ito.
5. Hanggang ngayon (August 24, 2012) tinatarantado mo pa rin ako, winawalisan mo ako ng dumi sa pinto ko, may mga strands ng walis naiiwan na bakas. Iyan ang ginagawa mo lagi. Tapos maglalagay ka ng note sa pinto mo, hihingi ka ng simpatya sa mga tao pero tuloy tuloy pa rin ang panggagago mo. Napaka hypokrito mo, tanga lang ang maniniwala at maawa syo. Mahiya ka naman sa pinag gagawa mo. GAGO!!!   
6. Three months ago, tinapunan mo ako ng santambak na basura sa pinto ko, Parang smokey mountain ang pinto ko sa dami. Naglagay ka pa ng sulat sa pinto mo ng : "Animal ka, kilala na kita, ikaw ang nagtatapon sa pinto ko tuwing madaling araw, kung wala kang magawa, tumalon ka na lang sa bintana." Nag iwan ka pa ng martilyo sa pinto mo. - ang tapang ng dating mo dito, naghahamon ka ng away, sino ba naman ako para tumanggi, pinagbigyan kita. Pinuntahan kita sa admin office, wala ka. Inabangan kita sa basement at entrance. After 2 oras, tsaka ka dumating sa basement, hinarap kita at sinabi na "bakit mo ako tinatapunan ng basura?!!!", sabi mo, "bakit ano ginawa ko syo, sa barangay na lang tayo." Hinamon kita ng suntukan, pabunot bunot ka pa kunwari at tsaka tumakbo na parang bakla palabas sa basement, umakyat sa ground floor, nagsumbong sa magulang ko at nagpaawa. At sinabi mo sa kanila na pinagmumura kita at masakit sa kalooban mo mga salita ko. Hinabol kita sa ground floor, pinag mumura kita, nakita ko sa muka mo ang takot , bigla kang tumakbo uli paakyat sa hagdanan. After 15 mins, bumaba ako sa basement, naka upo ka dun, nilapitan kita, tumakbo ka na naman pataas sa hagdanan. 

Pinakita mo dito sa pangyayaring ito na isa kang kenkoy at ubod ng kabaklaan, nakakahiya ka!!! Yang tapang mo ay peke pala. Tinatapunan mo ako ng basura, ginagawan ng iba't ibang katarantaduhan, nag hamon ng away, nung mag react ako, parang ikaw pa ang biktima , nagsumbong pa at kumukuha ng simpatya sa mga tao. BALIW KANG HAYOP KA!!!

Unang una, nakita mo ba na ako ang nagtatapon? Kaya ako ang pinagbibintangan mo na gumawa nun kasi yun ang ginagawa mo sa akin, tinatapunan mo at dinudumihan ang pinto ko, lahat ng paraan ng pang gagago ay ginawa mo na. Ayaw mo pala na tinatapunan ka ng basura pero yun ang ginagawa mo sa akin more than 1 year na. Hindi lang pagtatapon ng basura ang ginawa mo sa akin, mga paninira na hindi kapanipaniwala ang pinagkakalat mo sa akin. ididiscuss ko ito sa susunod.
7. Mukang masaya ang araw mo knina (Sept. 1, 2012) dahil nakapang gago ka na naman. Kaaga aga, 9am narinig ko ang tulak sa pinto ko, paglabas ko after an hour, madumi na ang doorknob ko at maraming buhok ng walis, winalisan mo na naman ang doorknob ng 2 pinto ko. Tapos 12pm, binalibag mo ang pinto sa katabing unit, galing mo talaga, ganyan talaga kapag walang breeding at laking squatter. Clap! Clap! Clap!
8. Doorknob - maliban sa paglalagay ng kalat at dumi sa pinto ko, pati doorknob ko pinagtritripan mo para makapang gago ka lang. Dinuduraan, winawalisan, dinikitan ng ipis ang doorknob. Lahat talaga gagawin mo kahit kadiri. 

 To be continued..... Marami pa akong isusulat na pinag gagawang katarantaduhan ng unggoy na ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento